Awit ng Ina para sa kanyang Panganay
Awit ng Ina para sa kanyang
Panganay
-Awitin ng Paghehele ng mga Taga-Didinga/Lango
-Tula Mula sa Uganda-Isinalin sa Filipino ni:Mary Grace A. Tabora
-Mula sa Salin sa Ingles ni:Jack H. Driberg
Pagkilala sa May-Akda
Ang Akda ay walang kinikilalang may-akda sapagkat ito ay isang sinaunang akda ng bansang Uganda na pinasa na ng ilang henerasyon.
Uri ng Panitikan
Ang akda ay isang tula dahil ito ay masining at makikita rin natin na may tugma at himig ang akda
Layunin ng Akda
Layunin ng akda na maipakita kung gaano kalaki ang obligasyon ng ina para mapalaki ng tama ang kanyang anak. Ipinapakita rin dito kung gaano kalaki ang pangarap ng ina para sa kinabukasan ng kanyang anak.
Tema/Paksa ng Akda
Pagmamahal ng ina sa kanyang anak at kung gaano kaimportante sa isang babae ang pagganap bilang isang ina.
Mga Tauhan/Karakter sa Akda
+Ina- Sakanya galing ang hele na ginawa nya para sa kaniyang anak panganay, mataas ang kanyang pangarap para sa mga kinakabukasan ng kanyang mga anak. kabutihan lamang ang kanyang hiling para sa mga anak nya at wala nang iba.
+Ama- Pinaghahambingan ng ina sa panganay niyang anak
+Panganay-Siya ang anak at pinapangarap ng kanyang ina na maging matapang at matalino siya at kilalanin ng ibang tao.
Tagpuan
+Saan:Ang tagpuan ng akdang ito ay sa tahanan dahil dito kinakausap ng ina ang kanyang sanggol nangmataimtim.
+Kailan:Walang nabanggit kung anong panahon o anong oras ito naganap ngunit ito ay kadalasang inaawit ng mga ina kapag gabi upang patulugin ang bata.
Nilalaman/ Balangkas ng mga Pangyayari
.
Pangunahing pangyayari - ang pangunahing pangyayari sa tula ay ang ina na kinakausap ang panganay na anak. Makikita rin dito kung paano nya inilalarawan ang isang lalaking mandirigma na mamumuno sa mga kalalakihan.
Pagtaas ng Pangyayari - ang pagtaas ng pangyayari sa tula ay ang pag iisip ng magandang ipapangalan ng ina sa kanyang anak. Isang pangalan na dapat hindi ikakahiya dahil ipapangalan ito sa kanyang panganay na anak.
Kasukdulan ng pangyayari - ang kasukdulan ng pangayayari ay ang paghehele ng Ina sa kanyang anak at ang paglalarawan nya dito na tila ito ay napakaespesyal sakanya at isang kagalang galang na sanggol.
Kakalasan o Pababang Aksyon - ang kakalasan o pababang pangyayari ay ang pagsasabi ng ina kung gaano sila pinapahalagahan at minamahal ng kanyang ama ng kanyang panganay na anak na asawa niya.
Wakas na Pangyayari - ang wakas na pangyayari ay ang pagsabi ng ina sa kanyang anak na panganay na sya ang inspirasyon at nagbibigay ng lakas upang lumaban ang ama at maipanalo ang laban sa digmaan upang makabalik sa kanila ng nakangiti at masaya. dito rin sinasabi na ikinagagalak ng ina na ina sya ng kanyang panganay na anak.
Tunggalian - Ang tunggalian ay tunggalian sa sarili. "Tao laban sa Sarili"
Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
Ang kaisipan ng akda ay ang pagmamahal ng ina sa kanyang anak.Gagawin nito lahat upang matugunan ang kanyang obligasyon upang matupad ang kanyang pangarap para sa anak.
Mga Teoryang Pampanitikan
*Humanismo -dahil tao ang paksa sa tula
*Realismo -dahil ito ay nangyayari sa totoong buhay
*Feminismo -dahil ipinapakita kung gaano kalakas ang isang babae(ina)
*Romantisismo -dahil ipinapakita dito kung gaano kamahal ng ina ang kanyang anak
*Formalismo -ang akda ay patula
*Eksistensyalismo -gusto ng ina na pag-isipan ng anak nya ang mga pagpapasya nya sa buhay
*Klasismo - pinag-iisip ng ina ng mabuti ang anak
*Imahismo- ginagamit mo ang imahinasyon para sa iniisip ng ina
Buod
Ang akdang ito ay nagmula sa bayan ng Didinga/Lango sa Uganda.Ang akdang ito ay isang tulang masining (hele) na tungkol sa kaligayahan ng isang ina sa pagkasilang ng kanyang panganay na anak.Inaawit ng Ina ang hele habang natutulog ng mahimbing ang kanyang anak.Mababanggit din ng ina sa akda ang mga plano at gusto niyang mangyari sa kanyang anak sa paglaki nito dahil ayaw niyang maging kahiya-hiya ang kaniyang panganay na anak.
Mga Miyembro:
- Che
- Copaway
- Ellaso
- Europeo
- Tadeja
Comments
Post a Comment