Liongo
LIONGO
Mito mula sa Kenya
1.) Pagkilala sa May-akda
Ang akda ay isang uri ng mito na pinagsalindila lamang ng mga sinaunang tao sa Kenya. Ang mga Aprikanong taga Kenya ay ginamit ang mga mito na ang pangunahing pokus ay diyos at espiritu upang ipaliwanag sa kabataan ang pinagmulan ng kanilang mga tradisyon. Ginamit din nila ang mga mito upang magbigay ng aral at aliw sa mga tao at upang ipaliwanag kung bakit kumikilos ang natural na mundo. Sila ay naniwala na may isa lamang diyos na gumawa sa lahat ng bagay. Sila rin ay naniniwala na ang mga espiritu ng mga ninuno nila ay namamalagi sa kapaligiran.
2.) Uri ng Panitikan
Ang akdang Liongo ay isang mito na nagmula sa kenya. sapagkat ito ay isang mito, ito ay kathang isip lamang. tulad ng ibang mga mito, tungkol din ito sa mga diyos at espiritu.
3.) Layunin ng may akda
Ang layunin ng akda ay magbigay kaalaman patungkol sa kanilang mga kultura at tradisyon. Naglalayon din itong magbigay aral at aliw sa mga mambabasa nito.
4.) Tema o Paksa ng Akda
Kagaya ng ibang kwento,ang paksa o tema ay tungkol sa isang lalaki na may angking lakas at kakayahan na siyang dahilan kung bakit tinuturing siyang bayani. At gaya rin ng iba,marami silang pagsubok na dapat harapin at kung paano nila ito malalagpasan.
5.) Mga Tauhan sa Akda
●Liongo-Isang malakas at kasing laki ng higante. Hindi tinatablan ng anumang sakit pwera lang ang kaniyang pusod na kapag tinusukan ng karayom ay saka siya manghihina.
●Mbwasto-Ang ina ni Liongo at ang nag-iisang nakakaalam sa sekreto ni liongo tungkol sa kaniyang kahinaan.
●Haring Ahmad-Pinsan ni Liongo at ang hari Pate. Siya ang nagbilanggo kay Liongo dahil nais niya itong mawala.
Sa bansang Kenya sa hilagang Africa. Ang Kenya ay ipinagalan sa Bundok Kenya (Ang pinakamataas na bundok sa Africa) Kikuyu ang tawag sa mga naninirahan sa paligid ng kasalukuyang araw. Ang bundok Kenya ay itinuturing bilang Kirinyaga o Kerenyaga na ang ibigsabihin ay bundok ng Kaputian,dahil sa kaniyang nalimitahan na bundok sa nyebe.
7.) Nilalaman/Balangkas ng mga Pangyayari
●Simula- ang akda ay nagsimula sa pagpapakilala kay Liongo na isang bayani at ang kanyang kakayahan at mga katayuan sa kanyang kaharian bilang isang hari.
●Tunggalian- Ang tunggalian sa akda ay tao laban sa tao na ipinakita sa mga naging laban ni Liongo sa digmaang Galla at ang pagtugis ng hari upang ipabilanggo si Liongo.
Pataas na Aksyon- Si Sultan Ahmad na pinsan ni Liongo ang hinirang na hari ng Pate dahil sa pagbabago ng pagpili ng hari mula sa Matrilineal at naging Patrilineal. At dahil sa kagustuhan ni Haring Ahmad na mawala si Liongo ay ipinabilanggo niya ito.
●Kasukdulan- Habang nakabilanggo si Liongo ay kumanta ang mga tao sa labas ng bilangguan ng mahabang papuring awit na gawa ni Liongo. Sa lakas ng awit ay nasira ang kadena na nagkukulong sa bayani ngunit hindi it narinig ng mga bantay. Nakatakas si Liongo at noong narinig ito ng mga bantay ay tumakas sila dahil sila ay natakot na hindi nila matatalo si Liongo. Si Liongo ay pumunta sa gubat at doon nanirahan kasama ang mga Watwa na naninirahan sa kagubatan.
●Kakalasan- Hinasa ni Liongo ang kanyang kakayahan sa pagpana at paghawak ng busog. Sumali siya sa isang paligsahan sa pagalingan ng pagpana at nanalo, ngunit siya ay nabilanggo dahil plano ng isang hari ang patimpalak upang mahuli si Liongo, nakatakas rin siya kaagad. At sa pakikipaglaban sa labanan ng Galla (Wagala), ipinakasal siya ng isang hari sa anak nitong babae upang makabilang ang bayani sa pamilya ng hari.
●Wakas- Si Liongo ay nagkaroon ng lalaking anak sa kanyang asawa, at sa huli, siya ay tinraydor at pinatay ng sarili niyang anak.

8.) Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda
Ang akda ay nagpapakita ng mga ideyolohiyang gaya ng kabayanihan at kalakasan ng pangunahing tauhan, at ang pagkabilang ng mga elementong supernatural at kakaiba sa kuwento, pati na rin ang pagtataksil ng mga kaanak.
9.)Mga Teoryang Pampanitikan
●Dekonstruksyon- Ang akda ay pinapakitang gumagamit ng teoryang pampanitikan na Dekonstruksyon. Ito ay mahihinuha dahil sa kakaibang mensahe ng mito na kahit ang malalakas na bayani ay nagkakaroon ng mahirap at masalimuot na wakas, tulad ng pagkamatay ni Liongo sa kamay ng sarili niyang anak.
●Klasismo- Ang mito ay nagpapakita rin ng mga teoryang Klasismo dahil ito ay hindi maluluma at mapagkukunan pa rin ito ng aral ng mga tao kahit sa kasalukuyang panahon.
●Historikal- Ito rin ay naging historikal dahil ipinakita dito ang pamumuhay noon ng mga Aprikano sa Kenya.
10.)Buod
Nagsisimula ang akda kay Liongo na isang bayani at hari ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta at ng Fosa sa isla ng Pate sa bansa ng Kenya. Siya ay gumagawa ng mga awit at nagtataglay ng walang kapantay na lakas at hindi rin siya tinatablan ng kahit anong sandata ngunit kapag natusok ng karayom ang kanyang pusod, siya ay mamamatay agad, at ang mga nakakaalam lamang ng kanyang lihim ay siya lamang at ang kanyang ina na si Mbwasho. Noong ang hinirang na hari ng buong Pate ay ang kanyang pinsan na si Sultan Ahmad, ipinag-utos ni Ahmad na ikadena at ibilanggo si Liongo dahil gusto ni Ahmad na mawala si Liongo. Ngunit dahil sa mga lakas ng papuring awit na ginawa niya at kinanta ng mga tao sa labas ang naging dahilan ng pagkakasira ng kadenang nagbibilanggo sa kaniya at nakatakas si Liongo mula sa pihitan. Siya ay tumungo papunta sa kagubatan at hindi na siya hinabol ng mga guwardiya sa takot na hindi nila ito mahuli at matatalo lamang sila. Nanirahan si Liongo sa kagubatan kasama ng mga Watwa o mga naninirahan sa gubat. Doon niya hinasa ang kanyang kakayahan sa pagpapana, at isang araw ay sumali siya sa isang paligsahan ng pagpana at nanalo. Ngunit ang paligsahan pala ay pinlano ng isang hari at siya ay nahuli at nabilanggo ulit, kaagad din naman siyang nakatakas. At sa sa kanyang pakikipaglaban sa digmaan ng Galla (Wagala), ikinasal siya ng isang hari sa anak nito upang mapabilang si Liongo sa pamilya ng hari. Kalaunan ay nagkaanak si Liongo ng isang lalaki na nagtaksil sa kaniya at pumatay sa bayani.
●Mga Miyembro ng Grupo
Anthony James Postrado
Hannah Patricia Rabaya
Ahzrael Peña
Nicole Anne Ganaan
Remmuelle Bautista
Comments
Post a Comment