Paglisan: Nobela mula sa Nigeria
PAGLISAN
ni Chinua Achebe
PAGKILALA SA MAY AKDA
Albert Chinualumogu Achebe ay ipinanganak noong Nobyembre
16, 1930 at namatay noong March 21,2013 sa edad na 82 Mga kilalang gawa sa kanya ay ang tinatawag na Africa Trilogy na nilalaman ng mga storyang may pamagat na Things fall apart, No longer at ease at Arrow of God. Marami syang napanalunan na awards, isa dito ang Nigerian National Order of Merit Awards noong 1979
St.Louis Literary Award noong 1999 at The Dorothy And Lillian Gish Prize noong 2010
Ang asawa nya ay si Christiana Chinwe Okoli at may 4 silang anak
URI NG PANITIKAN
-ito ay isang nobela, marami itong kabanata at hindi ito matatapos ng isang upuan, ito rin ang dahilan kung bakit marami itong tunggalian at marami rin ang mga karakter dito.
LAYUNIN NG AKDA
-ang pinaka layunin ng akda ay ibalik ang kumpiyansa ng mga taga Nigeria at maiwasan mapahiya, subalit ang kanyang kaarakter na si Okonkwo ay nagpakita ng takot at pag alis sa mga problema ay di nagwagi ang may akda sa kanyang layunin
TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema ng akdang Paglisan ay ang diskriminasyon na umiiral sa buong mundo at ang kalalaan nito ng makaraang taon. Isa pa ang pagksakop ng mga European
sa rehiyon ng Nigeria, unti - unting naiimpluwensyahan ang mga "Igbo Tribe" sa (Italized) Western
Culture, marami ring nagpapalipat ng relihiyon sa Kristyanismo na nagreresulta
sa pagkawala ng "Traditional Ways" ng mga Africano
MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA
Okonwo- Matapang na mandirigma at lider ng Umuofia
Unoka- Ama ni Okonwo, tamad na ama at maraming utang
Ikemefuna- isang patunay na may kasunduan ang Umuofia sa kabilang tribo
Ogbuefi Ezeudu- matanda na nagbabala kay Okonwo
G. Kiaga- Isang interpreter
G. Brown- Lider ng mga Misyonero
Rev. James Smith- pumalit kay G. Brown at isang bugnutin na
misyonero
Egwugwu- Sumunog sa simbahan na ipinagawa nila Rev. James
Smith
Enoch- nang istorbo ng ritwal ni Egwugwu, na nagreresulta sa pagsunog ni
Egwugwu sa bahay nito
TAGPUAN / PANAHON
UMUOFIA – isang malaking tribo sa Nigeria na kung saan dito
nakatira si Okonkwo
MBANTA - Dito ang kapanganakan ng ina ni Okonkwo at kung saan naganap ang insidente
NILALAMAN / BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
-
ang mga nangyari sa kwento ay kasindak sindak at may halong kakakilanlan. Hindi
man nalalayo sa ibang kwento pero maganda parin ang pagkaka-ayos ng mga
detalye. May mga parte na inaasahan mo ng mangyayari at may mga parte naman na
kahit ganon ay may emosyon ka paring madarama
MGA ISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
" ang katapatan ng isang tao ay importante "
" masakit isipin na ang itinuturi mong sarili mong ama,
ang taong tinitingala at pinagkakatiwalaan mo ng buong puso ang papaslang sayo
"
" may mga pangyayari talaga sa ating buhay na susubukin
na wasakin tayo pero dapat hindi natin ito hayaang tuluyang makaapekto saatin
"
" ang pagsira ng paniniwala ng ibang tao para lang
ipagtulakan ang sarili mong paniniwala ay hindi tama "
" ang agos ng buhay ay hindi palaging pantay "
ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA / TEORYANG PAMPANITIKAN
a) Realismo- ipinakita dito sa nobelang ito ang
diskriminasyon dahil pinagkumpara ng mga tao si Okonkwo kay Unoka na kanyang
tatay na isang talunan sa kanilang tribo.
b) Eksistensyalismo- ipinakita ni Okonkwo na hinding-hindi
siya magiging katulad ng kanyang ama na isang talunan kaya't siya ay nagsumikap
sa buhay. Pinatunayan niya na kaya niya at siya ay nakapag- lingkod sa siyam na
nayon sa kanilang lugar sa tribo sa Nigeria.Siya rin ay nakapag pundar ng mga
ari-arian na resulta ng kanyang mga pinaghirapan.
BUOD
Nagmula sa isang hindi kilala at hindi kalakihang tribo ng
mga Umuofia,sa Nigeria ang isang matapang na at respetadong mandirigma na si
Okonkwo.
Bata palamang ay nagpamalas na ng angking katapangan si
Okonkwo, Dahil dito, kinilala si Okonkwo
sa buong Umuofia hanggang Mbaino. Dumaan pa ang mga panahon ay marami pang mga
pagkakataon na ipinamalas ni Okonkwo ang kanyang katapangan upang mapagtakpan
ang nilalaman ng kanyang loob para sa amang si si Unoka.
Bukod sa katamaran ng kanyang ama,ay nag-iwan pa ito ng
napakaraming utang at pibabayaan sila. Pinatunayan ni Okonkwo na siya ay naiiba
sa kanyang ama at upang magawa ito, pinamunuan niya ang siyam na nayon. ‘Di
naglaon ay tatlo ang nagging asawa ni Okonkwo, nakapag pundar din siya ng mga
ari-arian patunay lamang ng kanyang kasipagan. Dahil dito siya ang kinilalang
lider ng kanilang tribo at siya ang pinili ng mga kanayon upang ipagtanggol si
Ikemefuna. Ang ama ni Ikemefuna ay nakapatay ng isang babaeng Umuofian kaya is
Ikemefuna bilang tanda ng
pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon.
Kinuopkop ni Okonkwo ang batang lalaki, magiliw na pinatira sa kanilang tahanan
at itinuring naman siya ng bata bilang pangalawang ama.
Habang sila ay naglalakbay, biglaan sinugod ng mga kasamang
lalaki si Ikemefuna upang patayin, ngunit nagawang makatakas ng kawawang bata.
Humingi ng saklolo si Ikemefuna sa kay Okonkwo. Habang nasa harapan ng kanyang
pinamumunuan kailangan mamili ni Okonkwo at upang ipakita ang katapangan sa
harap ng mga kanayon, pinili niyang patayin ang bata sa kabila ng paghingi nito
ng saklolo.
Umuwi si Okonkwo na
mag-isa. Dahil sa pagkamatay ni Ikemefuna, hindi siya makatulog, hindi rin
makakain at hindi makapag-isip ng maayos
si Okonkwo dahil sa ramdam pa rin niya ang pagkakamaling kanyang ginawa.
Kaya nagpasya ito na himingi ng payo sa kanyang kaibigan na si Obierika.
Lumipas ang mga panahon, nabalitaan nalamang ni Okonkwo na
patay na pala si Ogbuefi Ezeudu ang matandang nagbigay sa kanyan ng babala
tungkol sa pagpaslang kay Ikemefuna. sa di malamang dahilan, umalingawngaw
ng malakas na putok ng baril sa paligid
habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu.
Tinamaan ng baril ni Okonkwo ang
labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangan pagbayaran
ni Okonkwo ang nagawang krimen dahil ito ay isang mortal na kasalanan sa dyosa
ng lupa. Napagpasyahan na ipatapon si Okonkwo at ang kanyang pamilya sa Mbanta. Malugod naman silang tinanggap ng
mga kaanak lalo na ng kanyang tiyuhin na si Uchendu. Sinuportahan si Okonkwo na
makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na
pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran.
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa
mga taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni
Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay
Okonkwo. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang
minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng
mga Umuofia.
Isang araw may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng isang interpreter na si G.
Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta upang
ipakilala ang simbahan, ngunit ito ay hindi nagging madali. Hindi naglaon,
nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at
bugnuting misyonero. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba
sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu ito ay
katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu
ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.
Ikinalungkot ng
komisyoner ng distrito ang nangyari sa kanilang simbahan at nagpatawag ito ng
isang pagpupulong kasama ang mga pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, ipina-aresto
ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Hindi rin nagtagal ay
pinalaya na ang mga bilango at napagkasunduang tumiwalag. Dahil sa pagaakalang
nais ng mga kaangkan na maghimagsik nagawang patayin ni Okonkwo ang pinuno ng
mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya ngunit ang totoo ay hindi pa handa
sa giyera ang mga kaangkan niya.
Dahil sa pagkakamaling ito, iimbitahan sana ng komisyoner si
Okonkwo para sa isang pandinig ngunit ng
Makita nbila si Okonkwo, ito ay natagpuang nakabigti. Nagimbal ang buong nayon
sa nangyari sapagkat si Okonkwo ay kilala dahil sa mga nagawa nito at sa
katapangan at dahil sa pagpapatiwakal ni Okonkwo, matutulad lamang siya sa
isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.
Comments
Post a Comment