Ang Munting Prinsipe

    ANG MUNTING PRINSIPE
Isinalin ni Desiderio Chin
Isinulat ni Antoine de Saint-Exupery

1. Pagkilala sa May-akda

Si Antoine de Saint-Exupery ay ipinanganak sa Lyon, France noong Hunyo 29 1900. Isa siyang piloto na gumawa ng akda tungkol sa kaniyang karanasan sa pagiging piloto.
Dahil sa katungkulan niya bilang isang piloto sa panahon ng Pangalawang Pandaigdigang Digmaan, nawala siya sa Mediterrenean  sa isang reconnaissance misyon noong Hulyo 1944, at pinaniniwalaang ito narin ang araw ng kaniyang kamatayan
              2. Uri ng Panitikan
Nobela- ang kwentongAng Munting Prinsipe” ay maraming kabanata na may maikli pa sa karaniwang nobela at mas ahaba sa maikling kuwento. 
          3. Layunin ng Akda
Isinulat ito para iparamdam sa atin na sa ngayong panahon makikita mong pare-parehas ang lahat ng bagay ngunit mapapahalagahan mo lang ito kung ito’y iningatan, inalagaan, at minahal. Layunin ng akda na imulat ang mga mambabasa bata man o matanda dapat bigyang kalinga at importansya ang isang bagay upang makita mo ang pag kakaiba mo sa mga katulad niya.
               4. Tema o paksa ng Akda 
Ang pangunahing tema ng Ang Munting Prinsipe ay ang kahalagahan ng pagtingin sa buong katauhan upang mahanap ang tunay na katotohonan at kahulugan ng isang bagay. Ito ay ang alamid na nagtuturo sa Prinsipe upang makita ang puso ng isang tao sa halip na sa mga mata lamang.
Ipinapakita rito ang pagpapahalaga ng pagkakaibigan, hindi pagkakaroon ng makikitid na pag-iisip, paglalakbay, adbentura, at pagkakaroon ng relasyon na nagtuturo ng responsibilidad.

     5. Mga tauhan/ Karakter sa Akda
Ang mga tauhan rito ay ang munting prinsipe, ang piloto na kaniyang naging kaibigan

                       6. Tagpuan/ Panahon

Disyerto sa Sahara
Nabanggit din dito ang planeta B-612 o 325 pati narin ang mga ibang planeta.

      7. Nilalaman o balangkas na mga Pangyayari

Bumagsak ang eroplano ng piloto sa Disyerto ng Sahara
Namatay ang munting prinsipe at naiwan ang kaniyang munting kaibigan.
Nagkakilala ang piloto at munting prinsipe sa isang disyerto at sila’y nag usap tungkol sa mga bagay na dumadaan o pumapasok sa kanila mga buhay. Nagbigay ng payo ang isa’t-isa.

  8. Mga Kaisipan o ideyang taglay ng akda
May tao o bagay na nakalaan para sayo para pasayahin ka.
Ang pagkakaibigan ay nangyayari ng may dahilan. Ang inyong pagtatagpo ay may katwiran.
Nagkakaroon tayo ng responsibilidad sa tao o bagay na ating pinapahalagahan dahil may mahalaga rin itong ala-ala.
Ang Pagkakaibigan ay hindi natin kayang makita. Dahil ito ay nararamdaman ng may pagmamahal.

9. Istilo ng Pagkakasulat ng Akda/ Teoryang Pampanitikan
Romantisismo – nag-uugnay ito sa nararamdaman ng munting prinsipe sa kaniyang rosas.
Gumamit din ang akda ng mga simbolismo  para maging malikhain ang kaniyang pagkakagawa at mas maiparating nang maayos ang kaniyang kwento sa malalim na paran. Ang simbolismo sa istorya ay ang rosas na pinahahalagahan at pinaamo ng prinsipe.
                   10. BUOD
Nagsimula lahat sa pilotong nasiraan ng eroplano at bumagsak sa Disyerto ng Sahara na dumating naman ang munting prinsipe na nag mula sa ibang planeta. Nag kwento ang munting prinsipe sa piloto tungkol sa kaniyang sarili na pati narin ang tungkol sa planetang siya lang ang nakatira na sobrang liit naman. Kinuwento rin niya ang tungkol sa mga taong kaniyang nakilala o dumaan sa buhay niya. Hanggang sa isang araw ng matuklasan niya ang Heograpo  na may kakaibang gawain. Tinuruan siya nito sa pagpapahalaga ng kagandahan ng buhay at ng kaniyang paligid. Sa kanilang paglalakbay, naisip bigla ng piloto na bumalik sa eroplano para ayusin ito. Samantala, nakaupo lamang ang munting prinsipe sa ibabaw ng pader, may isang ahas ang lumapit sa kanya, kinaibigan naman niya ito ngunit tinuklaw siya bigla ng ahas na kaniyang ikinagulat at hindi alam ang gagawin. Gustong-gustong tulungan ng piloto ang munting prinsipe ngunit sa kasamaang palad hindi niya ito naagapan. Nakakapanlumong isipin na ang piloto ay nawalan ng munting kaibigan na kahit sa sandaling oras lamang niya nakasama ay naramdaman niya na may tagapagpayo na aalalay sa kaniya kahit san man siya magpunta

                                     Mga Miyembro:
                                                Soriano
Onuki
Tuquib
Lucban
Sagayap

Comments

Popular posts from this blog

Liongo

Paglisan: Nobela mula sa Nigeria

Awit ng Ina para sa kanyang Panganay