Bawal ang Anak na Lalaki

BAWAL ANG ANAK NA LALAKI

ni Aaron Shepard





1.) PAGKILALA SA MAY AKDA


              
      Si Aaron Shepard ay tanyag na manunulat ng mga istoryang The Legend Of Lightning Larry, The Sea King's Daughter, The Baker's Dozen, at iba pang mga pang-batang libro. Ang kaniyang mga sinulat na libro ay lumabas na rin sa Cricket at Australia's School Magazine.


Tanyag si Aaron sa pagbabaliksaysay o "retold" ng mga kuwentong bayan at tradisyunal na Literatura ng iba't-ibang bansa sa buong mundo.

Ang kaniyang mga gawa ay nabigyan na rin ng parangal ng American Library Association, The National Council for the Social Studies, The American Folklore Society, The New York Public Library, at ng Bank Street College of Education. Ang kaniyang mga istorya ay kadalasang binabasa ng mga bata, pati na rin ng mga matatanda.



2.) URI NG PANITIKAN



Ang istorya ng "Bawal ang Anak na Lalaki" ay nagpapakita ng pakikipagsapalaran ng bayani mula sa sinaunang tradisyon.





3.) LAYUNIN NG AKDA



Nais ipahayag ng akda na magkaroon ng pagkakapantay-pantay ang pagmamahal sa anak mapa-babae man o lalaki. Isinisiwalat ng akda na hindi dapat na magkaroon ng diskriminasyon kung ano man ang kasarian ng anak dahil layunin ng magulang na tanggapin at mahalin ng buo ang kanilang anak.



4.) TEMA O PAKSA NG AKDA



Ito ay nagpapakita ng tema patungkol sa kultura na mula sa Congo, sa tradisyon at sa pamilya. 

Image result for congo map




5.) MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA



  • SHE-MWINDO - isang datu mula sa nayon ng Tubondo na naghahangad lamang ng babaeng anak at pinagbabawal ang lalaking anak.
  • MWINDO - natatanging anak ni She-Mwindo na lalaki sa kaniyang paboritong asawa. Ipinanganak ng naglalakad at nakapagsasalita na lumabas sa pusod ng kaniyang ina.
  • TIYA IYANGURA - babaeng kapatid ni She-Mwindo. Nagkupkop at nag-alaga kay Mwindo hanggang sa paglaki.
  • ANG PABORITONG ASAWA - paboritong asawa ni She-Mwindo na tanging nagsilang ng lalaking sanggol.
  • ANG TAGAPAYO - tagapagsunod ni She-Mwindo.        



6.) TAGPUAN/ PANAHON



  • NAYON NG TUBONDO - lugar kung saan naninirahan si She-Mwindo na isang dakilang datu. Dito rin ang lugar kung saan ipinanganak si Mwindo. Ang pagtagpo ng mag-ama sa muling pagkakataon upang magharap.
  • LIBINGAN - ang tagpo kung saan humukay ang mga tagapayo at inilagay si Mwindo sa hukay at saka tinabunan ng lupa.
  • ILOG - kung saan gumawa ng bariles ang mga tagapayo at inilagay si Mwindo sa loob. Ang ilog ay ang lugar kung saan tinapon ang bariles.
  • PAMPANG - kung saan natagpuaan ng mga kababaihan na tagapagsilbi ni Iyangura.
                           Image result for houses in congo      Image result for river


7.) NILALAMAN/ BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI



  • SIMULA  - May dakilang datu na nagngangalang She-Mwindo na nakatira sa nayon ng Tubondo. Isang araw ipinatawag niya ang kaniyang nasasakupang nayon. Sinabi ni She-Mwindo sa kaniyang mga asawa na kapag isang babae ang isang ay mag-aasawa, ang kaniyang pamilya ay babayaran ng dote. Ngunit kung magkakaroon siya ng anak na lalaki, ito'y papatayin niya.
  • SAGLIT NA KASIGLAHAN  - Hindi nagtagal, ang anim na asawa ni She-Mwindo ay sabay-sabay na nagsilang ng babaeng sanggol ngunit ang ika-pitong sanggol na si Mwindo ay hindi pa handa lumabas sa sinapupunan ng kaniyang ina. Nang maging handa na si Mwindo lumabas sa sinapupunan ng kaniyang ina, imbis na lumabas ito ng katulad ng ibang sanggol, naisip niyang lumabas sa pusod ng kaniyang ina. Nagpakilala si Mwindo habang tumatakbo sa silid tangan ng conga.
  • TUNGGALIAN  - Hindi tanggap ni She-Mwindo na lalaki ang kaniyang anak sa kaniyang paboritong asawa kaya naman ay ilang ulit niya itong sinubukang paslangin ngunit laging nakaliligtas ang sanggol mula sa kapahamakan katulad na lang na paglibing sa anak at ang pagtapon sa ilog. Nang siya ay ipatapon sa ilog, siya ay dumeretso papunta sakaniyang Tiya Iyangura na tanggap siya ng buo.
  • KASUKDULAN  - Nang lumaki na si Mwindo sa puder ng kaniyang Tiya Iyangura ay naghanda siya sa muling pagtatagpo niya sa kaniyng ama at dun muling sinubukang paslangin ni She-Mwindo ang kaniyang anak na si Mwindo.
  • KAKALASAN  - Nagtagumpay si Mwindo sa pagsubok ng kaniyang ama dahil sa kahit anong subok na pagpaslang nito ay hindi siya nagagwang patayin ng ama. Sa takot ng kaniyang ama, ito ay tumakbo palayo ngunit mas mabilis na tumakbo si Mwindo hanggang sa maabutan ang kaniyang ama. Sa pag-aakala ng kaniyang ama ay katapusan na niya.
  • WAKAS  - tinanggap na ni She-Mwindo ang kaniyang anak dahil sa pagkamangha niya sa katalinuhan at kabaitan at dahil pinatawad siya nito. Nang sila ay magkapatawaran na, sila ay bumalik na sa nayon at naging masaya ang mga mamamayan sa nakita nilang pagbabalik ng mag-ama na magkasama at magkasundo. Naisip ni She-Mwindo na dapat pahalagahan ang anak, babae man o lalaki sapagkat ito ay biyaya.

8.)MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Isa sa mga kaugalian ng mga mamamayan sa Congo ay ang Polygyny. Dito, maaaring magkaroon ng maraming asawa ang isang lalaki. Pinapayagan sa batas ang Polygyny. Ipinagbabawal ang kabaligtaran nitong Polyandry, ang pagkakaroon ng maraming asawa ng isang babae. Ayon sa makalumang kaugalian sa Congo, ang pag-aasawa ay itinatakda ng mga kasapi ng pamilya. Ang lalaki ay kinakailangang magbigay ng bride price o dote, ayon sa presyong napagkasunduan ng dalawang pamilya. Kadalasan, ang halagang ibabayad ng lalaking ikakasal ay may kamahalan.



9.)ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA/TEORYANG PAMPANITIKAN



  • Ang istorya ng "Bawal ang Anak na Lalaki" ay isang epiko. Ito'y mahabang tula nang galing sa mga tradisyon. Ang epikong ito ay hinaluan ng patulang pahayag ng ibang karakter katulad ni Mwindo.
  • TEORYANG PAMPANITIKAN: * Realismo - sa akda, pinapakita ang marahas na katotohanan na meron mga batang walang natatanggap na aruga sa kanilang mga magulang. * Eksistensiyalismo - naipapakita sa akda ang pagdesisyon ni Mwindo na magtungo sa kaniyang tiya dahil ayaw sa kanya ng kaniyang ama. * Marksismo - magka-iba ang tingin ni She-Mwindo sa babae at lalaki. Mas pinapaburan niya ang kababaihan kesa sa kalalakihan * Sosyolohikal - ipinakita sa akda ang iba't ibang paniniwala at tradisyon mula sa Congo. * Moralistiko - si Mwindo ay nagdesisyong huwag na lang paslangin ang kaniyang ama kahit pinagtangkahan siyang patayin kahit pa ilang beses siyang sinubukang paslangin simula sanggol pa lamang. * Historikal - ang istorya ay umiikot sa trasidyon ng Congo na Polygyny na ngayon ay ilegal na.

10.) BUOD


Si She-Mwindo ay isang dakilang datu sa nayon ng tubondo. Isang araw pinatawag niya ang mga mamamayan pati na rin ang kanyang pitong asawa. Ipinahayag niya sa lahat na ang babaeng mag-aasawa ay mabibigyan ng dote at ang lahat ng lalaking magaasawa naman ay ang kaniyang pamilya ang magbabayad ng dote. Kung kaya't dapat ang kaniyang magiging anak ay babae dahil kung ito'y lalaki, ay kaniyang papaslangin. Ang anim na asawa ni She-Mwindo ay sabay-sabay nagsilang ng babaeng anak. Ang anak naman niya sa kaniyang paboritong asawa na si Mwindo na isang lalaki ay hindi pa nailuluwal dahil hindi pa ito handa. Nang maging handa na ito, ito ay lumabas sa pusod ng kaniyang ina at dahil dito napasigawa ang kaniyang ina dahil nagsasalita nakakapaglakad ang sanggol. Nalaman ito ni She-Mwindo at sinibat ang sanggol ngunit ito'y naka-iwas sa pagpaslang ng kanyang ama. Nagmadaling lumabas ang ama na Mwindo upang tawagin ang kanyang tagapayo at inutos na maghukay upang mailibing ang sanggol. Nang ma-ilibing na si Mwindo, kinabukasan ay nakarinig sila ng awit mula kay Mwindo Nagmadaling lumabas ang datu at pumunta sa libingan na may bungkal. Nakita ni She-Mwindo ang sanggol na kandong ng paborito niyang asawa. Sa pangatlong beses ay naisip niyang ipa-anod sa ilog ang kaniyang anak sa loob ng bariles. Nang ihagis na ang bariles ay hindi naanod at nanatili lang sa pwestong pinagtapunan ni She-Mwindo. Napaisip si Mwindo na ang kaniyang tiya Iyangura ay magugustuhan siya kung kaya't ang bariles ay nagpunta sa pangpang papunta sa kaniyang tiya. Inalagaan siya ng kaniyang tiya hanggang sa ito'y lumaki. Nang maging handa na siya upang humarap ulit sa kaniyang ama ay sumama ang kaniyang tiya. Nagkita ang mag-ama at ipinahagis ni She-Mwindo ang sibat ng kaniyang mga kalalakihan sa anak ngunit nakaiwas ulit ito sa panganib. Sa takot ni She-Mwindo ay tumakbo ito upang magtago ngunit mas mabilis na tumakbo si Mwindo papunta sa kaniyang ama hanggang sa maabutan siya nito. Nanginig at nangatog at nangatal na tinanong ni She-Mwindo sa kaniyang anak kung siya ba ay papatayin nito, ang sagot ni Mwindo ay hindi. Tinanong niya ulit ang kaniyang kung siya ba ay sasaktan nito, ang sagot ay hindi. Tinanong niya ulit ang anak kung kukunin ba nito kung ano ang kaniya, ang sagot ay hindi. Sa pagtataka ni She-Mwindo ay tinanong niya muli ang anak kung anong ang kailangan nito sa kaniya. Ang sagot naman ni Mwindo ay "Ang ama ay hindi maaring maging ama kung wala siyang anak na lalaki, at ang lalaki ay hindi maaring maging anak kung wala siyang ama. Kailangang maging ama kita upang ako ay maging anak". Sa pagka-mangha ni She-Mwindo sa kaniyang anak ay napag-desisyunan niya na hindi na muling itakwil ang kaniyang anak. Umawit at nagsayaw si Mwindo sa kaniyang ama. Masaya ang lahat ng makitang bumalik na magkasama ang mag-ama sa nayon. Dito napa-isip si She-Mwindo na dapat niyang pahalagahan ang anak, babae man o lalaki dahil ang bawat isa'y biyaya.



MARILLA, ALLIYAH
MIRANDA, EISEN
DIZON, RONA
SANTOS, FRANCHESKA
VILLAVICENCIO, MATHEW

Comments

Popular posts from this blog

Liongo

Paglisan: Nobela mula sa Nigeria

Awit ng Ina para sa kanyang Panganay