Mullah, Ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota
Mullah, Ang Unang Iranian na Dalubhasa sa Anekdota
ni M. Saadat Noury mula sa IranPAGKILALA SA MAY-AKDA
Si Manouchehr Saadat Noury o kilala sa tawag na M. Saadat Noury ay isang makata na nagmula sa Iran. Siya ay ipinanganak noong 1939 sa Tehran, Iran.
URI NG PANITIKAN
Isa itong Anekdota. Ito ay isang akdang pampanitikan na naglalarawan ng isang kawili-wiling insidente sa buhay ng tao. Isa itong maikling kwento ukol sa isang magandang karanasan na nag-iiwan ng aral.
LAYUNIN NG AKDA
Ang layunin nito ay maibahagi ang personal na karanasan ng isang tao at magbigay kasiyahan.
TEMA O PAKSA NG AKDA
Magbigay kaligayahan dahil sa mga sinasabi ng karakter.
MGA TAUHAN/ KARAKTER SA AKDA
Mullah Nassreddin o Mullah Nassr-e Din (MND) - ang tagapagkwento ng mga katatawanan na laging maaalala ng mga Iranian buhat sa kanilang kabataan.
TAGPUAN/PANAHON
Ang pangyayari ay naganap sa Iran.
NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Inimbitahan si MND para magbigay ng talumpati sa harap ng maraming tao dahil sa kanyang pagiging makata na magkwento ng katatawanan.
MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
Mababasa mo sa akda kung gaano ka totoo si Mullah. Siya ay isang mangkukukwento ng katatawanan at pinangangatawanan niya ito sa totoong buhay.
ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA/TEORYANG PAMPANITIKAN
•Klasismo - hindi ito naluluma at patuloy pa ring itinuturo sa kasalukuyang panahon.
•Humanismo - Kay Mullah at sa mga tao na nakikinig sa kanyang talumpati umiikot ang storya.
•Bayograpikal - nailalantad ang ilang bahagi ng buhay ng manunulat at sinasalamin ng akda ang katauhan ng manunulat na nakadaragdag sa kagandahan at kaisipan nito.
•Sikolohikal - ipinapakita dito ang ugali ng karakter sa bawat anekdotang kanyang isinulat.
BUOD
Inanyayahanan si Mullah Nasserdin upang magsalita at magtalumpati sa harap ng naraming tao. Sa kaniyang pagsisimula ay nagtanong si Mullah, “Alam ba niyo ang aking sasabihin?” Marami ang sumagot nang “Hindi.” Sumagot naman siya at sinabing “Wala akong panahong magsalita sa mag taong hindi alam ang aking sasabihin” at siya ay umalis at iniwang mapahiya ang marami. Kinabukasan ay inimbitahan siyang muli. Muli niyang tinanong ng kaparehong tanong ang mag tao at sa pagkakataong ito ay sumagot sila ng “Oo.” Sumagot si Mullah Nasserddin at sinabing “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin ay hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” at siya ay umalis. Nalito ang lahat sa kanyang sagot kaya inimbitahan nila ito muli. Sa ikatlong beses ay tinanong ni Mullah Nasserddin, “Alam ba nino ang aking sasabihin?” Kalahati ng mga dumalo ay sumagot ng “Hindi” at kalahati naman ay “Oo.” Sumagot siya at sinabi, “Ang kalahati ay alam na ang aking sasabihin, kaya’t kayo na ang magsabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin” at siya ay umalis.
Comments
Post a Comment